merong sinabi sa'akin ang lola ko
tungkol sa pagtatanong ng "bakit?" sa mga nangyayari sa buhay natin
para hindi ka na magcopy+paste nito sa google translate
(o kung naiintindihan mo at naiinip ka na dahil sa pag daldal ko)
sinabi nya na: huwag na. huwag. na. huwag ka na magtanong. huwag ka na magisip.
huwag ka na mangarap pa na magkakaron ka ng sagot na gusto mo
ang buhay ay buhay lang. wala ng iba. wala tayong maikukumpara sa buhay. ito lang ang alam natin
tanong ka ng tanong, hanap ka ng hanap ng sagot,
hintay ka ng hintay sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo, na nawala ka na sa mundo, sa mga ibang tao, at sa sarili mo
huwag ka na magtanong "bakit." huwag ka na magisip pa.
huwaga ka na tumalon sa dilim ng tubig ng utak mo. malulunod ka lang.
mahalin mo ang paglipas ng taon. ibigay mo ang buong puso mo sa kapangyarihan ng misteryo ng sansinukob.
magkaron ka ng tiwala, na lahat na mangyayari ay dapat mangyari
sumuko ka na
sumuko ka na